Sunday, October 16, 2016

Isports

Ang palakasan o isports (InglessportKastiladeporte) ay binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag, at kasama ang layuning rekreasyonal: para sa pakikipagpaligsahan, para sa sariling kasiyahan, upang makamtan ang manguna, para sa pagsulong ng isang kasanayan, o kombinasyon ng mga ito. Ang pagkakaiba ng layuin ang nabibigay ng katangian sa palakasan, pinag-isa kasama ang palagay ng indibidwal (o koponan) na kasanayan o natatanging tapang. Ito rin ang libangan ng mag estudyante.Patuloy na binubuo ng WikiFilipino ang lagúsan ng Isports upang maitampok nang malawak, malalim, at makabuluhan ang anumang may kaugnayan sa buhay, bagay, at pangyayari sa Filipinas. Hinati ang bawat paksa sa maliliit na bahagi upang maging gabay sa inyong pagbabasa. Panimula at hindi pangwakas ang balangkas ng nabanggit, kaya asahan ang mabibilis na pagbabago. Sasailalim din sa mahigpit na pagrepaso ng pangkat ng mga editor ang nilalaman ng balangkas nang makamit ang mataas na pamantayan. Maaari ninyong paunlarin pa ang balangkas, habang isinasaalang-alang ang nilalaman, anyo, daloy, at paraan ng pagkakasulat ng bawat akda. Inaasahan ang inyong pakikilahok upang mapaganda ang lagúsang ito at maihatid sa buong mundo ang husay ng Filipino. Halina't magpatala dito upang mapabilang sa lumalaking pangkat ng mga boluntaryo. Gamitin natin ang Wikifilipino sa ikatatagumpay ng mga Filipino sa buong mundo.

The Olympics

Sa mundo ng mga tao may isang diyos ang minsan ay nakikilahok dito. Ang diyos na ito ay nagngangalang Nibus. Si Nibus ay ang pangalawang anak ni Athena, ang diyosa ng kaalaman, bukod ni Erichthonius. Sa lahat ng mga diyos sa Olympus siya lang ang nag-iisang diyos na napamahal ng sobra sa sangkatauhan. Siya lang ang nag-iisang diyos na bomuluntaryo na maging tagapagbantay at tagaalaga sa mundo ng mga tao. Ang hangad lang niya ay mamuhay ng matiwasay at mapayapa ang sangkatauhan. Isang araw habang si Nibus ay nagmamasid sa mundo ng mga tao napansin niyang may tensyon ang nabubuo dito. Napansin niya ang hindi pagkakasunduan at away sa pagitan ng mga tao para lamang makakuha ng kayamanan at kapangyarihan. Batid niya na kapag ito ay nagpatuloy mawawala na talaga hinahangad niyang kapayapaan at matiwasay na pamumuhay para sa sangkatauhan. Nagalit siya sa naisip niya na posibilidad. Agad-agad siyang bumalik sa Olympus para maghanap ng solusyon sa kanyang problema. Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay nakahanap na rin siya ng perpektong solusyon sa tulong ng kanyang ina na si Athena. Upang maiwasan ang madugong labanan naisip niyang gumawa nalang ng isang palaro kung saan dito maglalaban ang mga taong gustong makakuha ng kapangyarihan at kayamanan. Naisip niyang mas mabuti pa ang paraang ito kaysa sa madugo at magulong labanan na posibleng mangyari sa pagitan ng sangkatauhan. Ang palarong ito ay pinangalanan niyang Olympics. Dito sa olympics mag-aaway ang mga tao para makakuha ng titulo, kapangyarihan, at kayamanan dahil kung sino man ang mananalo dito ay gagantimpalaan niya ng kapangyarihan at kayamanan. Kinabukasan sinimulan na ni Nibus ang kanyang plano. Nagpatulong siya sa isang hari sa lugar ng Athens para ma anunsyo at magawa niya ang kanyang plano. Sa Greece ginanap ang Olympics dahil may ilang tao siyang kilala na makakatulong sa plano niya dito. Matagumpay ang naging plano niya. Sa tulong ng Olympics mas naging mapayapa at matiwasay ang buhay ng sangkatauhan. Sumikat ang Olympics matapos naganap ang palaro at sinusubaybayan ng mga tao ang susunod na palaro. Maraming tao ang nagsimula ng magsanay upang salubungin ito. Simula noon patuloy na ang pag-unlad ng buhay ng sangkatauhan at ang palarong tinatawag na Olympics.Sa mundo ng mga tao may isang diyos ang minsan ay nakikilahok dito. Ang diyos na ito ay nagngangalang Nibus. Si Nibus ay ang pangalawang anak ni Athena, ang diyosa ng kaalaman, bukod ni Erichthonius. Sa lahat ng mga diyos sa Olympus siya lang ang nag-iisang diyos na napamahal ng sobra sa sangkatauhan. Siya lang ang nag-iisang diyos na bomuluntaryo na maging tagapagbantay at tagaalaga sa mundo ng mga tao. Ang hangad lang niya ay mamuhay ng matiwasay at mapayapa ang sangkatauhan. Isang araw habang si Nibus ay nagmamasid sa mundo ng mga tao napansin niyang may tensyon ang nabubuo dito. Napansin niya ang hindi pagkakasunduan at away sa pagitan ng mga tao para lamang makakuha ng kayamanan at kapangyarihan. Batid niya na kapag ito ay nagpatuloy mawawala na talaga hinahangad niyang kapayapaan at matiwasay na pamumuhay para sa sangkatauhan. Nagalit siya sa naisip niya na posibilidad. Agad-agad siyang bumalik sa Olympus para maghanap ng solusyon sa kanyang problema. Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay nakahanap na rin siya ng perpektong solusyon sa tulong ng kanyang ina na si Athena. Upang maiwasan ang madugong labanan naisip niyang gumawa nalang ng isang palaro kung saan dito maglalaban ang mga taong gustong makakuha ng kapangyarihan at kayamanan. Naisip niyang mas mabuti pa ang paraang ito kaysa sa madugo at magulong labanan na posibleng mangyari sa pagitan ng sangkatauhan. Ang palarong ito ay pinangalanan niyang Olympics. Dito sa olympics mag-aaway ang mga tao para makakuha ng titulo, kapangyarihan, at kayamanan dahil kung sino man ang mananalo dito ay gagantimpalaan niya ng kapangyarihan at kayamanan. Kinabukasan sinimulan na ni Nibus ang kanyang plano. Nagpatulong siya sa isang hari sa lugar ng Athens para ma anunsyo at magawa niya ang kanyang plano. Sa Greece ginanap ang Olympics dahil may ilang tao siyang kilala na makakatulong sa plano niya dito. Matagumpay ang naging plano niya. Sa tulong ng Olympics mas naging mapayapa at matiwasay ang buhay ng sangkatauhan. Sumikat ang Olympics matapos naganap ang palaro at sinusubaybayan ng mga tao ang susunod na palaro. Maraming tao ang nagsimula ng magsanay upang salubungin ito. Simula noon patuloy na ang pag-unlad ng buhay ng sangkatauhan at ang palarong tinatawag na Olympics.Sa mundo ng mga tao may isang diyos ang minsan ay nakikilahok dito. Ang diyos na ito ay nagngangalang Nibus. Si Nibus ay ang pangalawang anak ni Athena, ang diyosa ng kaalaman, bukod ni Erichthonius. Sa lahat ng mga diyos sa Olympus siya lang ang nag-iisang diyos na napamahal ng sobra sa sangkatauhan. Siya lang ang nag-iisang diyos na bomuluntaryo na maging tagapagbantay at tagaalaga sa mundo ng mga tao. Ang hangad lang niya ay mamuhay ng matiwasay at mapayapa ang sangkatauhan. Isang araw habang si Nibus ay nagmamasid sa mundo ng mga tao napansin niyang may tensyon ang nabubuo dito. Napansin niya ang hindi pagkakasunduan at away sa pagitan ng mga tao para lamang makakuha ng kayamanan at kapangyarihan. Batid niya na kapag ito ay nagpatuloy mawawala na talaga hinahangad niyang kapayapaan at matiwasay na pamumuhay para sa sangkatauhan. Nagalit siya sa naisip niya na posibilidad. Agad-agad siyang bumalik sa Olympus para maghanap ng solusyon sa kanyang problema. Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay nakahanap na rin siya ng perpektong solusyon sa tulong ng kanyang ina na si Athena. Upang maiwasan ang madugong labanan naisip niyang gumawa nalang ng isang palaro kung saan dito maglalaban ang mga taong gustong makakuha ng kapangyarihan at kayamanan. Naisip niyang mas mabuti pa ang paraang ito kaysa sa madugo at magulong labanan na posibleng mangyari sa pagitan ng sangkatauhan. Ang palarong ito ay pinangalanan niyang Olympics. Dito sa olympics mag-aaway ang mga tao para makakuha ng titulo, kapangyarihan, at kayamanan dahil kung sino man ang mananalo dito ay gagantimpalaan niya ng kapangyarihan at kayamanan. Kinabukasan sinimulan na ni Nibus ang kanyang plano. Nagpatulong siya sa isang hari sa lugar ng Athens para ma anunsyo at magawa niya ang kanyang plano. Sa Greece ginanap ang Olympics dahil may ilang tao siyang kilala na makakatulong sa plano niya dito. Matagumpay ang naging plano niya. Sa tulong ng Olympics mas naging mapayapa at matiwasay ang buhay ng sangkatauhan. Sumikat ang Olympics matapos naganap ang palaro at sinusubaybayan ng mga tao ang susunod na palaro. Maraming tao ang nagsimula ng magsanay upang salubungin ito. Simula noon patuloy na ang pag-unlad ng buhay ng sangkatauhan at ang palarong tinatawag na Olympics.

Wednesday, October 12, 2016

Patimpalak(Dula-dulaan)


Tagapagsalaysay: Nakakabingi ang higwaan at palakpakan ng mga taong dumalo sa isang patimpalak ng pabilisan sa pagtakbo. Sa isang sulok ay makikita mo ang dalawang taong nagpupustahan. Sila ay si Jon at Anthony

Anthony: Saan diayn ang pupustahan mo kompareng Jon
Jon: Doon ako pupusta sa puti na may numerong 0003
Anthony: Ahh ganun ba, doon na lang ako pupusta sa asul na may numerong 0008
Jon: Oh sige sige, ayan oh limang daan.





Tagapagsalaysay: At nagsimula na rin ang laban. Naririnig nang iyong tenga ang sigawan sa bawat sulok ng lugar na pinangyarihan ng patimpalak. Habang papalapit ang mga manlalaro sa linya ito ay makapigil hininga.

Anthony: Kinakabahan na ako kung sino ang mananalo sa ating pustahan.
Jon: Ako nga eh.

Tagapagsalaysay: At natapos rin ang paligsahan at ang nanalo ay ang kulay asul na may numerong 0008 na nagngangalang Charles. Pero ikinagulat nang lahat ay noong sinapak ni 0003 si Charles kaya tinanong ng reporter ang nangyari.

Reporter: Bakit po kayo sinapak ni Lawrence o mas kilala bilang si number 0003.
Charles: Isa lang po iyong hindi pagkakaunawaan.
Reporter: Kung isa itong hindi pagkakaunawaan, ano ang masasabi mo sa kanya?
Charles: Ang masasabi ko lang tayong manlalaro hindi lahat nanalo minsan natatalo rin tayo pero
                huwag kalimutan habang may buhay may pag-asa at sa laro talo o panalo ikaw parin ang                     bida.
Reporter: Ang sinasabi mo po ay sa isang makadamdaming salita na nagbibigay inspirasyon hind sa kabataan kundi sa sangkatauhan. Maraming salamat po at ipinagmamalaki po namin kayo sa pagkapanalo nyo.
Charles: Maraming salamat din sa inyo.

Tagapagsalaysay: Dahil sa narinig mula kay Charles. Napagtanto ni Lawrence na mali ang kaniyang ginawa sa pagsuntok nito kaya humingi ito nang tawad. Napagtanto rin Jon at Anthony na mali kung, kanilang pagpupusta kaya nagbago ang kanilang at kinalimutan nila pareho ang pustahan.

Laban(Tula)


"Laban"

Nakakabingi ang palakpakan at hiyaw ng mga tao
Sana ay lagi tayong narito't ganito
Hiyawan doon at palakpakan dito
Sana nga hindi na matapos ito

Nakikita mo ang mga ngiti at saya sa paligsahan
Lalo na pagnagsimula na ang laban 
At lalong-lalo na pagnatapos na ang karerahan
Nakikita mo dito ang tunay na kaligayahan

Sa buhay nang manlalaro minsan ay talunan
Pero hindi diyan matatapos ang labanan 
Dahil hindi lahat nang nanalo ay walang talo
Ganyan ang buhay natin dito sa mundo

Manalo man o mataloito ang iyong tandaan
Dapat araw-araw ikaw ay marunong lumaban 
Sa buhay man o sa ating paligsahan
Dapat lagi kang handa sa ano mang laban

Ang Paligsahan (Pabula)

     Sa gubat na matatagpuansa tuktok ng bundok ng Esterya may dalawang unggoy ang tumatanyag. Sila ay kilalang-kilala ng lahat sapagkat hindi lang sila napaka-ingay, palagi silang nag-aaway. Nadidisturbo at naiinis na ang halos lahat ng mga hayop sa gubat.

     Sabado ng umaga sa bahay ng hari ng gubat na si Leon may dalawang ibon na bumisita. ang mga ibong ito ay ang mga tagapaghatid ng mensahe at balita sa hari. Sinasabihan ng mga ibon kung ano ang sitwasyon sa gubat, kung paano halos lahat ng mga hayop doon ay nagrereklamo sa gulona binibigay ng dalawang unggoy. Napa-isip ang hari at napag-desisyunan na pumunta doon.

     Kinabukasan pinuntahan talaga mismo ng hari ang lugar kung saan ang dalawang unggoy makikita. Pagdating nya sa kanyang destinasyon ay mismong natuklasan niya kung gaanonga kaingay at nakadisturbo ang dalawang unggoy. Walang alam sa presensya ng hari, wala lang ginawa ang dalawang unggoy kundi mag-away ng mag-away. Halos lahat ng bagay pinag-aawayan nila. Nagulat nalang sila noong na may sumigaw na "tama na". Agad silang napatingin sa hari at napaluhod. Agad namang umaksyon ang hari at pinagalitan sila. Pagkatapos ay tinanong nya ang dalawang unggoy kung ano talaga ang problema nila at bakit palagi silang nag-aaway.

     Sinagot naman siya ng maayos ng dalawang unggoy. Pagkatapos nilang mag-usap napagtanto ng hari na napakadali lang ng sulosyon ng problema ng mga unggoy. Sinabihan nya ang dalawang unggoy na masusulosyonan nila ang napakaliit na problema nila sa paraang napakasimple, mapayapa at pormal, ito ay sa paraang ng paligsahan. Napa-isip namay ang mga unggoy at napagdesisyonan na gawin ang opinyon ng hari.

     Tinuruan sila ng hari kung paano laruin ang paligsahan at kung saan ito lalaruin. Simula noon naging mas mapayapa na ang bukid at at mas nagkakasundo na ang dalawang unggoy.


Aral: Ang lahat ng problema maliit o malaki man ay masusulusyonansa paraang mapayapa at walang gulo.




"Sportsmanship"(Maikling kwento)

May dalawang matalik na kaibigan na mahilig mag laro nang badminton, si Lena ang mabait at hindi makabasag pinggang babae pero kubg makapag-smash ay tagos sa net, si Joanna ang pilya at kalog na babae pero may paninidigan at magaling mamuno sa isang grupo. Silang dalawa ang laging ipinaglalaban sa doubles womens sa ibang mga skwelahan. Bata pa lang ay magkaibigan na si Lena at Joanna. Nung bata pa Alex may laro ng badminton sa kabilang paaralan ngunit hindi makapaglaro si Joanna dahil hindi hamak na namamasukan lang ang ina niya kina Lena. Nakita ni Lena ang paghagulhol ni Joanna dahil wala siyang raket at sapatos, dahil mabait si Lena pinahiram nya si Joanna at dun nag simula ang pag kakaibigan nila. Palagi silang pinagkukumpara sa mga kaklase nila lalo na sa paglalaro ng badminton. Sa Intramurals nila palaging nanalo si Lena at ayos lang iyon kay Joanna. Dumaan ang ilang linggo isinali sila sa isang palaro sa kabilang bayan, at dahil kapos sa pambayad si Joanna hindi sya makakasali ngunit pinilit ni Lena na sumama si Joanna at si Lena ang bahala sa gastos. Hindi na makakatanggi pa si Joanna dahil gusto nilang maipanalo ang palaro. Pagdating nya sa bahay agad nyang inihanda ang mga gamit nya na gagamitin para kinabukasan, maaga rin syang natulog at gumising. Atat na atat na sumakay sa magarang kotse nina Lena si Joanna at nag paalam na sa kanyang ina, ramdam nya na mananalo sila sa larong ito. Pagdating nila sa kabilang bayan ay agad nilang hinanap ang badminton court Na kanilang paglalaruan. Hindi alintana nila ang naganunsyo sa stage dahil kapos na sila sa oras sa unat at pampainit ng dugo. Pag dating ng opisyal sinabi nitong single womens ito at may maglalaro na para sa doubles women. Parang pinag sukluban ng langit at lupa si Joanna dahil alam niyang hindi sya mananalo kung siya lang mag-isa. Tinanggihan niya nya ang paglaro at hinayaan nyang si Lena ang magpapanalo sa kanila. At kagaya nga ng inaasahan nanalo nga si Lena. Masaya si Joanna para kay Lena at kinabukasan maraming pumupuna ni Lena dahil sa pagkapanalo nito sa palaro. Sa ibang seksyon marami ring pumuna kay Lena. Maraming naging bagong kaibigan si Lena at marami narin syang taga-hanga sa kanilang paaralan. Nagpasya silang mamasyal dahil sa pagkapanalo ni Lena, magkikita sila sa mall malapit kina Joanna 4 ng hapon. Alas 3 palang nandun na si Joanna, hinintay nya si Joanna na dumating. Alas 4, 5 at 6, ilang oras ang lumipas wala paring bakas ni Lena kahit man lang anino. Nagpasya siyang umuwi nalang at sa paglakad nya pauwi may napansin syang musika at mga ilaw galing sa bahay nina Lena. Tinanong nya kung anong meron doon sa bahay na para bang may malaking katuwaan, sabi ng lalaki may "victory party" raw para kay Lena. Pero bakit hindi nya ito alam, bakit hindi sinabi ni Lena, alam ba ni Lena na naghintay siya ng matagal sa mall? Maraming tanong sa kanyang isipan at ang naging epekto nito ay ang pag takbo nya pauwi, umiyak at nakatulog. Kinabukasan may nag anunsyong may palaro sa kanilang bayan para sa taunang pista. Nag ensayo ng ensayo si Joanna upang makalimutan nya ang sakit na nararamdaman. Dumating ang araw ng laro, nabalitaan nyang sasali din si Lena, ang kaibigan nyang kinalimutan na sya. Kinakabahan si Joanna dahil maraming tao, alam na nya kung bakit maraming tao, dahil kay Lena. Marami na syang natalo at si Lena rin, hanggang sila na ang naglalaban. Ito ang pinaka-unang laro na hindi sila bati. Takbo dito, takbo doon at hampas dito, hampas doon. Hanggang umabor na sa katapusan ang laro at ang nanalo ay si. JOANNA! Tuwang-tuwa si Joanna, bakas sa kanyang ngiti ang kanyang saya, ngunit si Lena ay umalis lamang ng hindi nagpaalam. Lumipas ang 3 araw si Joanna na ang sikat sa kanilang paaralan at si Lena ay naluma na. Datapwat maraming bagong kaibigan at taga-hanga nakipagbati parin sya kay Lena kahit wala syang kasalanan, nag iyakan sila dahil sa mga nagwa nila. Umuwi sila at nanood ng paborito nilang palabad sa telebisyon at nag nangako silang hinding-hindi na sila mag-aaway hanggang kelan.