Wednesday, October 12, 2016

Ang Paligsahan (Pabula)

     Sa gubat na matatagpuansa tuktok ng bundok ng Esterya may dalawang unggoy ang tumatanyag. Sila ay kilalang-kilala ng lahat sapagkat hindi lang sila napaka-ingay, palagi silang nag-aaway. Nadidisturbo at naiinis na ang halos lahat ng mga hayop sa gubat.

     Sabado ng umaga sa bahay ng hari ng gubat na si Leon may dalawang ibon na bumisita. ang mga ibong ito ay ang mga tagapaghatid ng mensahe at balita sa hari. Sinasabihan ng mga ibon kung ano ang sitwasyon sa gubat, kung paano halos lahat ng mga hayop doon ay nagrereklamo sa gulona binibigay ng dalawang unggoy. Napa-isip ang hari at napag-desisyunan na pumunta doon.

     Kinabukasan pinuntahan talaga mismo ng hari ang lugar kung saan ang dalawang unggoy makikita. Pagdating nya sa kanyang destinasyon ay mismong natuklasan niya kung gaanonga kaingay at nakadisturbo ang dalawang unggoy. Walang alam sa presensya ng hari, wala lang ginawa ang dalawang unggoy kundi mag-away ng mag-away. Halos lahat ng bagay pinag-aawayan nila. Nagulat nalang sila noong na may sumigaw na "tama na". Agad silang napatingin sa hari at napaluhod. Agad namang umaksyon ang hari at pinagalitan sila. Pagkatapos ay tinanong nya ang dalawang unggoy kung ano talaga ang problema nila at bakit palagi silang nag-aaway.

     Sinagot naman siya ng maayos ng dalawang unggoy. Pagkatapos nilang mag-usap napagtanto ng hari na napakadali lang ng sulosyon ng problema ng mga unggoy. Sinabihan nya ang dalawang unggoy na masusulosyonan nila ang napakaliit na problema nila sa paraang napakasimple, mapayapa at pormal, ito ay sa paraang ng paligsahan. Napa-isip namay ang mga unggoy at napagdesisyonan na gawin ang opinyon ng hari.

     Tinuruan sila ng hari kung paano laruin ang paligsahan at kung saan ito lalaruin. Simula noon naging mas mapayapa na ang bukid at at mas nagkakasundo na ang dalawang unggoy.


Aral: Ang lahat ng problema maliit o malaki man ay masusulusyonansa paraang mapayapa at walang gulo.




No comments:

Post a Comment