Wednesday, October 12, 2016

Laban(Tula)


"Laban"

Nakakabingi ang palakpakan at hiyaw ng mga tao
Sana ay lagi tayong narito't ganito
Hiyawan doon at palakpakan dito
Sana nga hindi na matapos ito

Nakikita mo ang mga ngiti at saya sa paligsahan
Lalo na pagnagsimula na ang laban 
At lalong-lalo na pagnatapos na ang karerahan
Nakikita mo dito ang tunay na kaligayahan

Sa buhay nang manlalaro minsan ay talunan
Pero hindi diyan matatapos ang labanan 
Dahil hindi lahat nang nanalo ay walang talo
Ganyan ang buhay natin dito sa mundo

Manalo man o mataloito ang iyong tandaan
Dapat araw-araw ikaw ay marunong lumaban 
Sa buhay man o sa ating paligsahan
Dapat lagi kang handa sa ano mang laban

No comments:

Post a Comment