May dalawang matalik na kaibigan na
mahilig mag laro nang badminton, si Lena ang mabait at hindi makabasag pinggang
babae pero kubg makapag-smash ay tagos sa net, si Joanna ang pilya at kalog na
babae pero may paninidigan at magaling mamuno sa isang grupo. Silang dalawa ang
laging ipinaglalaban sa doubles womens sa ibang mga skwelahan. Bata pa lang ay
magkaibigan na si Lena at Joanna. Nung bata pa Alex may laro ng badminton sa
kabilang paaralan ngunit hindi makapaglaro si Joanna dahil hindi hamak na namamasukan
lang ang ina niya kina Lena. Nakita ni Lena ang paghagulhol ni Joanna dahil
wala siyang raket at sapatos, dahil mabait si Lena pinahiram nya si Joanna at
dun nag simula ang pag kakaibigan nila. Palagi silang pinagkukumpara sa mga
kaklase nila lalo na sa paglalaro ng badminton. Sa Intramurals nila palaging
nanalo si Lena at ayos lang iyon kay Joanna. Dumaan ang ilang linggo isinali
sila sa isang palaro sa kabilang bayan, at dahil kapos sa pambayad si Joanna
hindi sya makakasali ngunit pinilit ni Lena na sumama si Joanna at si Lena ang
bahala sa gastos. Hindi na makakatanggi pa si Joanna dahil gusto nilang
maipanalo ang palaro. Pagdating nya sa bahay agad nyang inihanda ang mga gamit
nya na gagamitin para kinabukasan, maaga rin syang natulog at gumising. Atat na
atat na sumakay sa magarang kotse nina Lena si Joanna at nag paalam na sa
kanyang ina, ramdam nya na mananalo sila sa larong ito. Pagdating nila sa
kabilang bayan ay agad nilang hinanap ang badminton court Na kanilang
paglalaruan. Hindi alintana nila ang naganunsyo sa stage dahil kapos na sila sa
oras sa unat at pampainit ng dugo. Pag dating ng opisyal sinabi nitong single
womens ito at may maglalaro na para sa doubles women. Parang pinag sukluban ng
langit at lupa si Joanna dahil alam niyang hindi sya mananalo kung siya lang
mag-isa. Tinanggihan niya nya ang paglaro at hinayaan nyang si Lena ang
magpapanalo sa kanila. At kagaya nga ng inaasahan nanalo nga si Lena. Masaya si
Joanna para kay Lena at kinabukasan maraming pumupuna ni Lena dahil sa pagkapanalo
nito sa palaro. Sa ibang seksyon marami ring pumuna kay Lena. Maraming naging
bagong kaibigan si Lena at marami narin syang taga-hanga sa kanilang paaralan.
Nagpasya silang mamasyal dahil sa pagkapanalo ni Lena, magkikita sila sa mall
malapit kina Joanna 4 ng hapon. Alas 3 palang nandun na si Joanna, hinintay nya
si Joanna na dumating. Alas 4, 5 at 6, ilang oras ang lumipas wala paring bakas
ni Lena kahit man lang anino. Nagpasya siyang umuwi nalang at sa paglakad nya
pauwi may napansin syang musika at mga ilaw galing sa bahay nina Lena. Tinanong
nya kung anong meron doon sa bahay na para bang may malaking katuwaan, sabi ng
lalaki may "victory party" raw para kay Lena. Pero bakit hindi nya
ito alam, bakit hindi sinabi ni Lena, alam ba ni Lena na naghintay siya ng
matagal sa mall? Maraming tanong sa kanyang isipan at ang naging epekto nito ay
ang pag takbo nya pauwi, umiyak at nakatulog. Kinabukasan may nag anunsyong may
palaro sa kanilang bayan para sa taunang pista. Nag ensayo ng ensayo si Joanna
upang makalimutan nya ang sakit na nararamdaman. Dumating ang araw ng laro,
nabalitaan nyang sasali din si Lena, ang kaibigan nyang kinalimutan na sya.
Kinakabahan si Joanna dahil maraming tao, alam na nya kung bakit maraming tao,
dahil kay Lena. Marami na syang natalo at si Lena rin, hanggang sila na ang
naglalaban. Ito ang pinaka-unang laro na hindi sila bati. Takbo dito, takbo
doon at hampas dito, hampas doon. Hanggang umabor na sa katapusan ang laro at
ang nanalo ay si. JOANNA! Tuwang-tuwa si Joanna, bakas sa kanyang ngiti ang
kanyang saya, ngunit si Lena ay umalis lamang ng hindi nagpaalam. Lumipas ang 3
araw si Joanna na ang sikat sa kanilang paaralan at si Lena ay naluma na.
Datapwat maraming bagong kaibigan at taga-hanga nakipagbati parin sya kay Lena
kahit wala syang kasalanan, nag iyakan sila dahil sa mga nagwa nila. Umuwi sila
at nanood ng paborito nilang palabad sa telebisyon at nag nangako silang
hinding-hindi na sila mag-aaway hanggang kelan.
No comments:
Post a Comment