Wednesday, October 12, 2016
Patimpalak(Dula-dulaan)
Tagapagsalaysay: Nakakabingi ang higwaan at palakpakan ng mga taong dumalo sa isang patimpalak ng pabilisan sa pagtakbo. Sa isang sulok ay makikita mo ang dalawang taong nagpupustahan. Sila ay si Jon at Anthony
Anthony: Saan diayn ang pupustahan mo kompareng Jon
Jon: Doon ako pupusta sa puti na may numerong 0003
Anthony: Ahh ganun ba, doon na lang ako pupusta sa asul na may numerong 0008
Jon: Oh sige sige, ayan oh limang daan.
Tagapagsalaysay: At nagsimula na rin ang laban. Naririnig nang iyong tenga ang sigawan sa bawat sulok ng lugar na pinangyarihan ng patimpalak. Habang papalapit ang mga manlalaro sa linya ito ay makapigil hininga.
Anthony: Kinakabahan na ako kung sino ang mananalo sa ating pustahan.
Jon: Ako nga eh.
Tagapagsalaysay: At natapos rin ang paligsahan at ang nanalo ay ang kulay asul na may numerong 0008 na nagngangalang Charles. Pero ikinagulat nang lahat ay noong sinapak ni 0003 si Charles kaya tinanong ng reporter ang nangyari.
Reporter: Bakit po kayo sinapak ni Lawrence o mas kilala bilang si number 0003.
Charles: Isa lang po iyong hindi pagkakaunawaan.
Reporter: Kung isa itong hindi pagkakaunawaan, ano ang masasabi mo sa kanya?
Charles: Ang masasabi ko lang tayong manlalaro hindi lahat nanalo minsan natatalo rin tayo pero
huwag kalimutan habang may buhay may pag-asa at sa laro talo o panalo ikaw parin ang bida.
Reporter: Ang sinasabi mo po ay sa isang makadamdaming salita na nagbibigay inspirasyon hind sa kabataan kundi sa sangkatauhan. Maraming salamat po at ipinagmamalaki po namin kayo sa pagkapanalo nyo.
Charles: Maraming salamat din sa inyo.
Tagapagsalaysay: Dahil sa narinig mula kay Charles. Napagtanto ni Lawrence na mali ang kaniyang ginawa sa pagsuntok nito kaya humingi ito nang tawad. Napagtanto rin Jon at Anthony na mali kung, kanilang pagpupusta kaya nagbago ang kanilang at kinalimutan nila pareho ang pustahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment